Jennylyn, Dennis nanggulat sa kasal

Kasal na ang showbiz couple na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.

Sa isang Facebook post nitong Lunes ibinahagi ni Jennylyn ang isang larawan sa naganap na kasalan. Nakaharap sila sa isang pari sa gitna ng seremonya.

“Forever, you [and] me,” saad ng aktres sa caption.

Matatandaang halos tatlong linggo ang nakakalipas nang ibunyag ni Jennylyn na siya ay nagdadalang-tao.

Nitong Enero lamang ay ipinagdiwang ng dalawa ang kanilang ikapitong taon bilang magkarelasyon.

Inulan naman ng pagbati mula sa mga netizen ang post ni Jennylyn. (Joven Delantar)

The post Jennylyn, Dennis nanggulat sa kasal first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments