Niyanig ng magnitude 4.8 lindol ang Davao Occidental kahapon, ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa earthquake bulletin ng Phivolcs, nangyari ang lindol ng alas-2:01 ng hapon.
Ang episentro nito ay 146 kilometers (km) southeast ng Balut Island, Sarangani, Davao Occidental at may
lalim na 46 km.
Naramdaman naman ang Intensity I sa General Santos City at Koronadal City.
Wala namang naitalang pinsala.
The post Davao niyanig ng magnitude 4.8 first appeared on Abante Tonite.
0 Comments