DOJ umapela sa pagbasura ng kaso vs Ongpin

Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) ang paghahain nila ng motion for reconsideration (MR) sa La Union Regional Trial Court kaugnay sa ginawang pagbasura sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga laban kay Julian Ongpin.

Ayon kay Prosecutor General Benedicto Malcontento, ang MR ay inihain ng DOJ noong Huwebes. Itinakda ang pagdinig nito sa Disyembre 3.

Sinabi ni Malcontento, kung papayagan ng korte ay magpiprisinta sila ng ebisensiya bilang suporta sa kanilang MR.

Magugunitang dinismis ni Judge Romeo Agacita Jr. ng San Fernando RTC Branch 27 ang kasong kriminal laban kay Ongpin, anak ni bilyonaryo Roberto Ongpin, noong Nobyembre 15 dahil sa kawalan ng matibay na ebidensiya para mag-isyu ng warrant of arrest matapos na may makuhang 12.685 gramo ng ecstasy ang korte sa loob ng hostel na tinuluyan ni Ongpin at ng namayapa niyang kasintahan at artist na si Bree Jonson noong Setyembre 18.

Sinabi ni Agacita na nagkaroon ng lapses ang mga pulis sa paghawak ng ebidensiyang cocaine.

“It could not, therefore, be determined how the unmarked drugs were handled upon confiscation. Evidently, the alteration of the seized items was a possibility absent their immediate marking thereof,” ayon sa desisyon. (Juliet de Loza-Cudia)

The post DOJ umapela sa pagbasura ng kaso vs Ongpin first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments