Itatayo sa Leyte ang sweet potato o kamote ice cream plant sa pamamagitan ng Department of Science and Technology (DOST)
Ayon kay DOST Secretary Fortunato de la Peña, popondohan ang planta ng Region VIII at Philippine Root Crops Research and Training Center sa Baybay, Leyte.
Dagdag pa ni Dela Peña, sagana sa kamote ang Leyte kaya nakaisip sila ng isang produkto na tatangkilikin ng mga residente, kaya nabuo ang kamote ice cream na hinaluan ng flavor na cheesy macapuno, jackfruit, mint-chocolate, double dutch, at coffee-choco swirl.
Sa ngayon ay nakakagawa na sila ng 1,128 tubs per day ng kamote ice cream na 100 grams sa isang tub.
Ang Sweet Potato Ice Cream Processing Center ang kauna-unahang ice cream processing project ng Baybay City local government unit (LGU) na naglalayong palakasin ang agrikultura ng probinsya. (Vick Aquino)
The post DOST tataya sa kamote ice cream plant first appeared on Abante Tonite.
0 Comments