Xian di bumenta kay Direk

Sa kanyang vlog, ipinasilip ni Xian Lim ang ilang behind-the-scenes na ganap sa shoot ng pelikulang Bahay na Pula sa Pola, Mindoro, Katambal niya dito si Julia Barretto.

Ani Xian, one for the books daw sa kanya ang makatrabaho at maidirek ang Cannes best director na si Brillante Mendoza.

Sa kanilang break, nagpakuwela rin si Xian by cracking jokes na hindi naman bumenta sa award-winning director.

Tinanong kasi ni Xian ang director at ang isang kasamahan kung ano sa Japanese ang mayaman at walang pera.

Di naman nila na-gets ang corny jokes ni Xian.

Napakamot din ng ulo si direk Brillante at sinabi kay Xi to explain in three sentences ang ibig sabihin ng kanyang jokes para makatawa sila.

Hirit ni Xian:”Easy lang, direk.Relax lang. Nasasaktan ako,direk.Pinatatawa ko lang pero masakit.”

Ha!ha!ha!

Jerome sinita ni Sachzna

Kaaliw ang naging kulitan nina Jerome Ponce at Sachzna Laparan sa vlog ng tinaguriang Ms.Flawless.

Sumasailalim kasi sa Who is More challenge ang aktor. Pinapili siya between her girlfriend at sa mom nitong si Tintin.

Ani Sachzna, ideya raw ni Jerome ang nasabing challenge.

Bago mag-umpisa, binalaan pa ni Sachzna si Jerome na paghusayin ang kanyang mga sagot.

Sey ni Jerome, mas masarap daw magluto at mas madiskarte ang ina ng nobya dahil sa mga karanasan nito.

Hirit pa niya, type daw niya ang pinakbet nito.

Sinita naman ni Sachzna si Jerome at sinabing hindi raw specialty ng ina ang ganoong putahe. Nagtataka ito kung kaninong hapag-kainan nakatikim ang boyfie ng nasabing dish.

Dahil triggered at nangangamoy away, sinuyo na lang ni Jerome ang kasintahan.

Sa tanong naman kung sino ang mas malinis sa bahay, sey ni Jerome, mas maayos daw si Tita Tintin.

Sa panlalaglag sa kanya ni Jerome, aminado naman si Sachzna na may tendency siyang maging burara.

The post Xian di bumenta kay Direk first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments