Face shield hindi obligado sa klasrum – DepEd

Ayon sa Department of Education (DepEd), hindi na required para sa mga guro at mag-aaral na sasalang sa pilot implementation ng face-to-face class ang pagsusuot ng face shield sa loob ng silid-aralan.

“Hindi po talaga requirement ang face shield sa loob ng classroom. Pero ‘yung face mask ay talagang importante na mapanatili nating nakasuot sa ating mga mag-aaral sa buong oras ng kanilang ilalagi,” ani DepEd Assistant Secretary Malcolm Garma sa isang panayam nitong Linggo.

Ang pilot implementation ng face-to-face class ay sisimulan ngayong Lunes, Nobyembre 15.

Wika pa ni Garma, 100 pampubliko at 20 pribadong paaralan ang pagdarausan ng face-to-face class, kung saan nasa 12 hanggang 15 mag-aaral lamang ang ookupa sa loob ng bawat silid-aralan at mula tatlo hanggang limang oras lang din ang klase. (Mark Joven Delantar)

The post Face shield hindi obligado sa klasrum – DepEd first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments