CebuPac hiring na uli ng kawani

Tatanggap na muli ang Cebu Pacific ng mga Gokongwei ng mga empleyado para maging cabin crew bilang paghahanda sa pag-ahon ng aviation industry.

Hinihikayat ng CebuPac ang mga dati nitong cabin crew, na tinanggal sa gitna ng pandemyang COVID-19, na bumalik.

Umabot na sa P21.9 bilyon ang net loss ng kompanya noong katapusan ng Setyembre, mas malaki kaysa sa P15 bilyong pagkalugi na iniulat nito noong Setyembre 2020.

Mula Hulyo hanggang Setyembre, ang pagkalugi nila ay umabot sa P8.2 bilyon, mas malaki sa P5.5 bilyon noong nakaraang taon.

Subalit lumaki na ang nabebentang ticket ng Cebu Pacific sa mga pasahero na umabot na sa P1.3 bilyon mula Hulyo hanggang Set­yembre ngayong taon samantalang nasa P379.2 milyon lamang ito nu’ng parehong panahon ng 2020. (Eileen Mencias)

The post CebuPac hiring na uli ng kawani first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments