Janno rumesbak sa laos

May ilang mga marites na ginagawan ng isyu ang magkaibigang Ogie Alcasid at Janno Gibbs.Iniintriga ang dalawa.

May ilang kibitzers na nagsabing dahil sa pag-welcome ng It’s Showtime sa “small brother” nitong si Ogie bilang new co-host ng show, hindi raw kaya lalong ma-insecure si Janno?

May kinalaman ito sa nakaraang emote ni Janno

sa It’s Showtime dahil sa pagkansela umano ng guesting niya sa nasabing noontime show para i-promote ang kanyang latest movie.

Delete na ang emote ni Janno sa kanyang social media account.

May nagsabi ring staff ng Its’ showtime na miscommunication umano ang nangyari. Nag-inquire lang daw ‘yung taga-Viva kung puwedeng mag-promote pero wala pa silang sagot dahil ipapaalam pa sa mga bossing lalo’t hindi naman Kapamilya ang guest.

Walang kinansela dahil hindi pa final ang usapan.

May iba namang nag-opinyon na baka raw si Ogie pa ang maging tulay para mahilot ang sigalot nito sa nasabing show.

Samantala, may isa namang netizen ang bumatikos sa komedyante .Sinabihan siyang unprofessional at laos na .

Buwelta naman ni Janno sa netizen: “I have 3 recent hit movies and 4 new movies coming out. Ako matapang maglabas ng sentiment. Ikaw duwag magpost ng tungkol sa sarili mo.”

Speaking of Janno, marami rin ang nagsu-suggest na palitan na nito ang username niya sa IG na jannolategibbs dahil parang ipinagmamalaki pa nito ang pagiging late umano nito noon.

Hirit ng ilan, baka rin daw makapagpapaalala pa ito sa kanyang followers at maging sa ibang producer ng kanyang pagiging ‘late’ sa mga commitments .Baka mag-atubili ang mga itong kunin siya sa kanilang proyekto.

Kim luma ang X’mas tree

Sa kanilang respective vlogs, nagpa-good vibes ang magkasintahang Kim Chiu at Xian Lim.

Sa episode ng kanyang vlog na “My White Christmas Tree (Tree of Hope)” , ipinakita ni Kim ang kanyang tradisyonal na ginagawa tuwing sumasapit ang araw ng Kapaskuhan: ang pag-decorate ng kanyang Christmas tree.

Ani Kim, recycled daw ang mga materyales niya sa pagde-decorate ng kanyang Christmas tree.

Inilabas lang niya ang decors na nagamit na niya sa mga nakaraang Pasko.

Pagiging praktikal lang daw ito lalo pa’t nasa pandemya pa rin ang bansa. Kumbaga, nahaharap pa rin tayo sa health crisis.

Aniya, ang importante raw naman ay ang spirit ng Christmas.

Sa kanyang vlog, kinarir din niya ang masigasig na pagde-decorate ng bawat detalye ng kanyang Christmas tree.

Nagbigay rin siya ng kuntil butil ng inspirasyon tulad ng pag-appreciate sa blessings na natatanggap natin sa buhay, materyal man o hindi, na para sa kanya ay isa sa tunay na kahulugan ng Pasko.

XIAN MAMIMIGAY NG HELMET

Sa kaso naman ni Xian, inanunsyo niya ang pagbibigay ng helmet giveaways sa kanyang YouTube followers sa bagong entry sa kanyang YouTube channel.

Ito raw ay paraan ng pasasalamat niya sa lahat ng sumusubaybay sa kanyang vlog.

Sobrang happy rin daw siya sa mga nababasang magagandang comments ng kanyang subscribers sa kanyang channel tuwing siya ay may bagong uploaded na video.

Sa ngayon, wala pang nababanggit ang showbiz couple tungkol sa kanilang Christmas plan bilang magdyowa. (Archie Liao)

The post Janno rumesbak sa laos first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments