Yassi naloka sa puwet ni JC

Ang lakas ng tawa ni Yassi Pressman nang itanong sa kanya kung ano ang na-feel niya nang kunan ang butt exposure ng kanyang leading man na si JC Santos.

Makikita kasi sa official trailer ng pelikula ang scene kung saan ay nakatalikod sa shower si JC na hubo’t hubad habang nasa loob din ng banyo si Yassi.

Ani Yassi na natatawa, “never pa po akong nakakita nu’n sa co-actor ko, so it was quite shocking but JC was very, very comfortable.”

Tawa rin naman nang tawa si JC habang nagkukuwento si Yassi.

Patuloy pa ng aktres, “so, ‘yung nakita po sa trailer, papasok po ako sa loob ng banyo and siyempre, kapag blocking po, hindi naman kailangan ‘yun, di ba?

“So, nun’g take na, sinabi na ‘okay JC, get ready na’ ganyan, ‘Yassi, step out.’ Step-out po ako. Nakasarado po ‘yung pintuan, di ba? Nandito ‘yung kwarto nila direk on the left, and then, nandu’n po siyempre ‘yung monitor nila.”

Hindi pa man siya pumapasok sa banyo ay nakita na niya sa monitor ang eksena ni JC na hubo’t hubad na nakatalikod at talagang nagulat daw siya.

Nang nag-cue na si direk Nuel Naval na pumasok na siya sa banyo, gulat na gulat pa rin daw siya at kinailangan muna niyang huminga nang malalim bago pumasok.

“Hindi ko po talaga kaya na pumasok sa eksena. So I had to gather myself and really breathe and just focus,” sey ni Yassi.

“Ayun, nagulat lang po ako to say the least,” natatawang sabi ni Yassi.

Pero kung baga, icing on the cake lang ang nasabing pangkiliting eksena dahil as a whole ay heartbreaking talaga or “wasak-puso” ang pelikula.

Ang More Than Blue ay South Korean drama classic na pinalabas noong 2009, in-adapt naman ito sa Taiwan taong 2018. Kaya sa mga nakapanood nito ay alam na siguro kung gaano ka-heartbreaking ang movie na kwento ng dalawang magkaibigan, K (JC) and Cream (Yassi) who love each other pero ang lalaki ay may taning na ang buhay.

Nang malaman ni K na siya ay may taning na dahil sa malalang stage ng cancer, inilihim niya ito kay Cream at tinulak pa niya itong makapag-asawa ng isang mabait at malakas na lalaki.

Mapapanood na ang More Than Blue sa Nov. 19 sa Vivamax. Kasama rin sa movie si Diego Loyzaga bilang isa pang leading man ni Yassi, at si Ariela Arida.

The post Yassi naloka sa puwet ni JC first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments