
NI: Archie Liao
Sa kanyang vlog, nag-share si Kathryn Bernardo ng typical day niya kapag wala siyang taping.
Aniya, inuumpisahan daw niya ang kanyang araw sa pagwo-workout.
Na-realize rin niya na iba na ang metabolism niya ngayon kumpara noong teenage years.
Gayunpaman, hindi raw naman niya dini-deprive ang sarili sa pagkain na bet niyang kainin twice a week.
“Cheat days” daw niyang maituturing ang araw ng Miyerkules at Linggo .Mega lafang siya na nababawi naman sa workouts niya the rest of the week.
Ibinahagi rin niya ang experience niya sa muling pagsalang niya sa Kapamilya teleseryeng “2 Good 2 Be True” kasama ang nobyong si Daniel Padilla.
Aniya, nanibago raw siya sa first taping day niya dahil natagalan bago siya gumawa ng serye uli.
Medyo nahirapan din daw siya sa kanyang role dahil matagal siyang nag-internalize rito.
Nagkaroon din ng pagkakataon ang aktres na sagutin ang ilang katanungan ng kanyang mga faney.
Sa tanong kung saan siya nagagalit o naa-upset, aniya, hate raw niya ang mga taong hindi marunong akuin ang kanilang pagkakamali o nagre-resort sa mga palusot.
Sa kaso raw naman ni DJ, pinatawad daw naman niya ito pag umano’y nag-alibi.
Sey pa niya, kung siya raw naman ang may nagawang kasalanan sa boyfie, siya raw naman iyong tipong aaminin ito at maga-apologize.
Sa question naman tungkol sa Christmas plan nila, aniya, sa Pinas lang daw sila mag-ispend ng holidays dahil bawal silang umalis .May ikakasal daw na malapit sa kanya bago matapos ang taon.
Kung sakali mang puwede nang mag-travel, gusto raw nilang pumunta ni DJ sa Japan na matagal niyang na-miss.
The post Kathryn imbyerna sa palusot ni Daniel first appeared on Abante Tonite.
0 Comments