Kaya sasabak sa Senado: Digong sabik pang magserbisyo

Walang kinalaman ang kinakaharap na reklamo sa International Criminal Court (ICC) sa pagtakbo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagka-senador sa 2022 elections.

Ito ang inihayag ni acting Presidential Spokesman Karlo Nograles bilang tugon sa kritisismo na kaya tatakbong senador ang Pangulo ay para sa proteksiyon nito laban sa ICC.

Sinabi ni Nograles na nais ni Duterte na ipagpatuloy ang nasimulang serbisyo sa taumbayan.

Naniniwala aniya ang Presidente na may magagawa pa ito sa serbisyo publiko bilang senador kaya nagdesis­yon ito na kumandidato para sa darating na eleksiyon.

“Wala naman kinalaman sa ICC case iyong desisyon ni Pangulong Duterte na tumakbo bilang senador. Gusto po niyang magpatuloy ng kanyang serbisyo sa taumbayan,” ani Nograles. (Aileen Taliping)

The post Kaya sasabak sa Senado: Digong sabik pang magserbisyo first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments