Record low! COVID case bulusok sa 849

Naitala ng Department of Health (DOH) ang pinakamababang kaso ng COVID-19 na umabot lamang sa 849 bagong kaso, pinakamababa ngayong taon mula sa 700 noong Disyembre nakaraang taon.

Ayon sa DOH case bulletin no. 612, pumalo na sa kabuang 2,819,341 ang dinapuan ng COVID19 hanggang alas-kuwatro ng hapon, kahapon.

Mayroon ding naitalang 2,393 nakarekober sa sakit at 99 karagdagang nasawi.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 0.9% o 25,464 ang aktibong kaso, 97.5% o 2,748,069 ang gumaling, at 1.62% o 45,808 ang namatay.

Lahat ng mga laborator­yo ay operational noong Nobyembre 14, 2021 habang mayroong 6 laborator­yo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Docu­ment Repository System (CDRS).

Samantala,naniniwala ang OCTA Research Group na hindi na tataas ang mga bagong kaso ng COVID 19 sa bansa. (Juliet de Loza-Cudia)

The post Record low! COVID case bulusok sa 849 first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments