Lacson-Sotto walang itatago sa mga tao

Bibigyang halaga ni Senador Panfilo `Ping’ Lacson ang malayang pamamahayag at pagiging transparent sa ilalim ng kanyang pamumuno.

Sabi ni Lacson, na tumatakbo sa pagka-pangulo sa ilalim ng Partido Reporma, walang dahilan ang gobyerno para magtago ng kahit ano kung wala naman itong ginagawang masama sa taumbayan.

“Una, ang freedom of the press hindi lang importante sa demokrasya. It is democracy itself,” sabi ni Lacson.

Ginawa ng senador ang pahayag sa kauna-unahang Lacson-Sotto media forum.

“Bakit kami kailangan magtago? I’m all for it,” dagdag nito.

Sinabi naman ni Senate President Vicente `Tito’ Sotto III, na tumatakbo sa pagka-bise presidente, pagtitibayin ng kanilang administrasyon ang kalayaan sa pangangalap ng impormasyon mula sa gobyerno o freedom of information. (Dindo Matining)

The post Lacson-Sotto walang itatago sa mga tao first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments