P4M jet ski, motor na kontrabando natisod

Nasamsam ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang mga secondhand na jet ski, motorsiklo at iba pang misdeclared item na nagkakahalaga ng P3.9 milyon noong Nobyembre 2 sa Port of Manila.

Nalaman na ang mga nasabat na kon­trabando ay dumating sa South Harbor noong Oktubre 3, 2021, mula sa Japan at naka-con­signee sa Fastside Con­sumer Goods Trading.

Sa inisyal na ulat, idineklara ng consignee ang shipment na naglalaman ng mga electric motor, e-bike, sofa at cabinet.

Natuklasan ang mga misdeclared item nang hilingin ng Enforcement Security Service person­nel na pisikal na masuri ang container van at nang buksan ay nakita ang 45 units ng mga gamit na motorsiklo at bisikleta, gamit at brand new rims, dalawang unit ng jet ski at iba’t ibang household item.

Nalaman na nakatang­gap ng intelligence report ang BOC na naging daan para mag-isyu ng Alert Order noong Oktubre 29. (Juliet de Loza-Cudia)

The post P4M jet ski, motor na kontrabando natisod first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments