LGU pwedeng iobliga COVID bakuna – Año

May diskresiyon umano ang mga local government unit (LGU) na mag-isyu ng kani-kanilang executive order (EO) at ordinansa na nagmamandato sa mga tao na magpabakuna laban sa COVID-19.

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, tinatalakay na ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) kung gagawin na bang mandatory ang COVID-19 vaccination sa bansa.

Sinabi ng kalihim na nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng mandatory vaccination ngunit wala pang batas hinggil dito.

“Pero ang ating mga local chief executives sa kanilang autonomous power bilang local chief executives, at ito naman base sa Section 16 ng Local Government Code, puwede silang mag-issue ng tinatawag nating mga executive orders at ordinances na i-mandatory ‘yong pagbabakuna,” ayon pa kay Año sa isang panayam.

Kung nais naman aniya ng mga alkalde ay maaari rin namang lagyan na lamang nila ng restriksiyon ang galaw ng mga hindi bakunadong indibidwal para na rin sa kaligtasan ng mga ito. (Dolly Cabreza)

The post LGU pwedeng iobliga COVID bakuna – Año first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments