Mt Pinatubo sumabog

Nakapagtala ng “mahinang pagsabog” nitong Martes ang Mount Pinatubo.

Ayon sa advisory ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nakapagtala ang Pinatubo Volcano Network ng “seismic and infrasound signals of a weak explosion at Mt. Pinatubo” sa pagitan ng alas-12:09 hanggang alas-12:13 ng tanghali.

Nagdulot ang pagsabog ng plume o usok at abo na na-detect ng Himawari-8 Satellite at ini-report sa Phivolcs ng Tokyo Volcanic Ash Advisory Center.

Saad pa ng Phivolcs, ang naitalang “seismic at infrasound signals” ay hindi karaniwang proseso ng bulkan at kasalukuyang sinusuri kasama ang ibang potensiyal na source tulad ng aircraft activity, ordnance disposal at iba pa.

Nagbabala ang institute sa publiko na iwasang magtungo sa mga bisinidad ng bulkan.

Inabisuhan din ang mga local government unit na ipagbawal ang pagpapapasok sa Pinatubo crater hanggang sa mabatid ang pinagmulan ng pagsabog ng bulkan. (Issa Santiago)

The post Mt Pinatubo sumabog first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments