
Nakatakda umanong maganap sa Nobyembre 18 at 19 ang pinakamatagal na partial lunar eclipse sa loob ng 100 taon ngunit hindi umano ito gaanong makikita sa Pilipinas, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).
Ayon sa National Aeronautics and Space Administration (NASA), tatagal nang tatlong oras, 28 minuto at 23 segundo ang naturang lunar eclipse.
Ngunit ang mga residente ng Oceania, North at South America, Northern Europe at Indonesia lang umano ang magkakaroon ng pinakamalinaw na panonood sa naturang eclipse.
Sa oras umano ng Pilipinas ay magaganap ang eclipse dakong alas-2:03 ng hapon hanggang alas-8:04 ng gabi sa Nobyembre 19.
Pero hindi anila ito makikita sa bansa dahil sa anggulo ng mundo habang nangyayari ang eclipse. (Mark Joven Delantar)
0 Comments