QC congressional bet atras dahil sa kalusugan

Naghain ng statement of withdrawal sa Commission on Elections (Comelec) si Councilor Allan Francisco bilang kandidato sa pagka-kongresista sa Ika-5 Distrito ng Quezon City dahil sa kanyang kalusugan.

Nauna nang nag-file ng certificate of candidacy sa nasabing posis­yon noong Oktubre 7 si Francisco at makaraan ng ilang araw, siya ay sumailalim sa isang knee surgery.

Sa press statement ayon kay Francisco pinayuhan siya ng kanyang doctor na kailangan niyang magpahinga at iwasan ang mga pagkilos hanggang sa maghilom ang sugat dala ng operasyon.

“Makailang-beses kong pinag-aralan ang desisyong ito, sumangguni ako sa aking pamil­ya, mga kaibigan at mga supporter hanggang sa marating ko ang pinal na desisyon, na aking pansamantalang ipagpa­liban ang buhay-politika at isaalang-alang ang a­king kalusugan”, ayon pa kay Francisco.

Sa kabila nito, tiniyak ni Francisco na hindi niya tatalikuran ang serbisyo sa mga mamamayan at kanyang pinasalamatan ang kanyang mga kababayan sa kanilang ibinigay na suporta sa loob ng halos 18 taon bilang konsehal.

The post QC congressional bet atras dahil sa kalusugan first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments