Tiniyak ng Department of Interior and Local Government (DILG) na may mananagot kapag napatunayang may nagpabayang mga opisyal sa 148,000 COVID-19 vaccine na nasunog kamakailan sa Zamboanga del Sur.
Ito ang inihayag ni DILG Secretary Eduardo Año kay Pangulong Rodrigo Duterte matapos hindi mapakinabangan ang mga bakuna dahil sa sunog sa regional office ng Department of Health.
Kung agad aniyang ginamit ang mga bakuna ay hindi sana nasunog ito kaya kasama sa sisilipin ang mabagal na rollout ng vaccine.
“Titingnan po natin kung ano ang mga pagkukulang at nasayang ang more or less about 148,000 na vaccine. Titingnan din natin kung bakit mabagal ang pagpapatupad ng bakuna para makapagbigay tayo ng kaukulang sanctions sa mga posibleng nagkaroon ng pagkukulang.
Sabi ni Año, dapat magsilbing wake-up call sa mga lokal na opisyal ang nangyaring insidente at bantayan nang husto ang mga bakuna upang maiturok agad sa mga mamamayan.
“Kinakailangan na magtalaga ang bawat LGUs ng safety officer na magbabantay 24/7 sa lahat ng mga cold chain facilities at warehouses,” dagdag niya. (Aileen Taliping)
The post Mga Zambo exec yari sa nasunog na COVID vaccine first appeared on Abante Tonite.
0 Comments