Pinabayaan sa impound, aso kinain kapwa hayop

Trending sa social media ang video ng mga umano’y na-impound na asong iniwanang na­gugutom at kumakain ng ibang katawan ng mga namatay na kauri sa loob ng isang kulungan sa Cebu.

Ayon sa nag-post, ang mga nahuling aso ay bahagi ng kampanya ng municipal government ng Asturias na ‘Asturias Dog Care and Anti-Rabies Ordinance’ na sinimulan noong Setyembre 12.

Makikita sa video ang mga asong nakakubli sa liblib na lugar, mabahong kulungan at walang nangangalaga.

Mapapanood din ang mga kumakain na ng patay na kauri, mga patpatin at halos hindi na makatayong mga aso.

Wala pang pahayag ang mga opisyal ng lungsod tungkol sa nasabing video. (Sherrylou Nemis)

The post Pinabayaan sa impound, aso kinain kapwa hayop first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments