Mister hinalay 2 anak, huli ni misis

Arestado ang 54-ta­ong gulang na lalaki sa Camarines Norte nang dahil sa panggagahasa sa dalawa niyang menor de edad na anak.

Mismong ang kan­yang asawa ang nakakita sa suspek na nakapatong pa sa kanilang anak.

Sa report, alas-2:00 ng madaling-araw nang makita ng misis na hi­nahalay ng lalaki ang kanilang 16-anyos na babaeng anak noong Nobyembre 16 sa loob ng kanilang tahanan sa Labo, Camarines Norte.

Kuwento pa ng nanay ng biktima, nakapatong na ang lalaki at nakahu­bad na at may ginaga­wang kahalayan sa anak.

Pareho nang walang saplot na pang-ibaba ang suspek at batang biktima.

Nang kausapin ng nanay ang kanyang anak, inamin nito na matagal na siyang pinagsasaman­talahan ng kanyang ama at nagsimula noong Enero 2020 pa.

Sinabi naman ng mga tauhan ng WCPD na maging ang isa pang anak na menor de edad na suspek ay inabuso rin ng sariling ama.

Hindi na umano nag­sumbong ang mga batang biktima sa ginagawang pananakot ng suspek na tatay dahil may dala pa itong kutsilyo habang nangre-rape.

Agad dinakip ang sus­pek nang magreklamo ang ina ng mga biktima sa Labo MPS. (Kiko Cueto)

The post Mister hinalay 2 anak, huli ni misis first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments