Motor sumalpok sa poste, 2 tumilapon

Dedbol ang isang lalaki at isang babae na magkaangkas sa mo­torsiklo matapos nilang sumalpok sa poste ng kuryente sa Biñan City, Laguna Martes ng uma­ga.

Kinilala ang mga nasawi na ang nagma­manehong si Michael Hernandez, 36-anyos, residente ng Maricaban, Pasay City; at backrider niyang si Janet Yaneza, 32, residente ng Cabrera Street, Pasay City.

Batay sa report ng Biñan City Police, pa­hilaga ang motorsiklo nang sumalpok ito sa isang poste ng Meralco sa gilid ng national high­way ng Brgy. Canlalay, Biñan, dakong alas-7:45 kamakalawa ng umaga.

Sa lakas ng pagka­kasalpok ay kapwa tu­milapon ang dalawa sa konkretong kalsada.

Isinugod pa sina Hernandez at Yaneza sa Ospital ng Biñan subalit parehong idineklarang dead-on-arrival ng dok­tor. (Ronilo Dagos)

The post Motor sumalpok sa poste, 2 tumilapon first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments