Ping nakipag-bonding sa 2 apo

Timeout muna sa politika si Partido Reporma standard-bearer Senador Panfilo Lacson .Nakipag-bonding muna siya kahapon sa kanyang mga apo.

Sa Instagram post ng kanyang anak na si Pampi nu’ng Linggo, makikita ang presidential aspirant na ini-enjoy ang pamimingwit kasama ang dalawang apo na babae.

“Sunday Quality time with the girls,” saad ni Pampi sa caption.

Nitong mga nakaraang linggo ay halos walang humpay ang biyahe ni Lacson kasama ang ka-tandem na si Senate President Tito Sotto upang maglibot sa iba’t-ibang parte ng Pilipinas. Inilatag niya ang kanilang plataporma para sa 2022 elections. (Joven Delantar)

The post Ping nakipag-bonding sa 2 apo first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments