Robin, type ipamana ang trono kay Kylie

Si Robin Padilla na tinaguriang “Bad Boy of Philippine Movies”ang maituturing na action superstar noong kanyang kapanahunan.

Katunayan, box office hits ang mga ginawa niyang pelikula noong kasagsagan ng kanyang kasikatan.

Sa panayam naman sa kanya ng anak na si Kylie Padilla sa vlog nito, nagbalik-tanaw ang actor tungkol sa kanyang magulong nakaraan.

Marami raw siyang natutunan nang makulong siya sa New Bilibid Prison dahil sa illegal possession of firearms.

Pagbabalik-tanaw pa niya, ito rin daw ang ‘best time’ niya kapiling ang ina ni Kylie na si Liezl Sicangco.

“Nu’ng dumating na kayo, nari-realize ko, ‘Aba, hindi ako puwedeng mautas ngayon. Hindi ako puwedeng mawala ngayon kasi paano ‘tong mga batang iyon?’” ani Robin. “At nu’ng time naman na iyon na, nagde-decide na akong mag-lie low. That was 1994. Kaya yun, very timely talaga iyon. Yung pagkakakulong ko, very timely para sa mama mo rin,” dugtong nya.

Hindi rin daw niya pinagsisisihan na nakilala niya ang mom ni Kylie dahil nagbunga raw naman ang kanilang pagsasama ng mga malulusog na mga anak.

“Yun siguro ‘yung best days namin, e, ‘yung nakakulong ako. Kaya answered prayer iyon. Du’n din kami nagpakasal ng mama mo. Nu’ng dumating kayo sa buhay namin,” hirit ni Robin.

Sa naturang vlog din, sumalang sa kakaibang challenge si Robin . Ipinakita sa kanya ni Kylie ang iba’t-ibang litrato at hiningan siya ng anak tungkol sa recollection niya sa mga ito.

Isa sa mga photo ay kuha noong bata pa si Kylie at nagti-training ito ng martial arts.

Ani Robin, kung meron man daw siyang gustong maging tagapagmana ng trono bilang action star, ito raw ay walang iba kundi ang anak na si Kylie na nakitaan niya ng potensyal.

Carla inokray sa Boracay honeymoon

Marami ang nag-react sa ipinost ni Carla Abellana na picture nila ng asawang si Tom Rodriguez pagkatapos ng kanilang kasal.

Kuha ang larawan sa bonding at bakasyon nila sa Boracay .

May mga naloka lang sa caption nito sa Instagram na : “PS: This isn’t our honeymoon.”

Batikos tuloy ng mga marites, nahihiya raw ba ang Kapuso actress na sa Boracay lang sila nagpulot-gata ng mister?
Big deal daw ba kung sa paboritong beach destination sa bansa sila nag-honeymoon at hindi abroad o sa mas sosyaling lugar?

Ito ang ilan sa mga reaksyon ng liga nina Marites at Tolits sa kanyang caption.

“Anong masama kung dyan ang honeymoon nyo? like big deal ba masyado?”

“Bakit may disclaimer? May mali ba kung sa Boracay ang honeymoon? 🙄

“Paki define nga what is honeymoon?hehee what is the difference sa boracay trip nila?”

.”Baka sabihin SA iba y Boracay y not SA ibang country … Marami na maritis Ngayon bawat galaw maraming nakikialam ngayon.”

“Pero bat kelangang may pa clarification? Ayaw ba nilang masabihan na bakit sa boracay lang honeymoon nila? So weird.”
“Bat and defensive? Married naman na sila and were even living in prior to marriage. Parang ang dating tuloy ayaw nya isipin ng mga tao na boracay lang afford nila. 😳

“May issue b kung sa bora?”

“Eh so anong ginagawa nyo dyan? Should we expect you’re staying in different rooms?? May plano daw kasi sila na sa Maldives or sa Japan ang honeymoon nila eh para sabihing made in Japan ang first baby nila.Choooossss…May pagka.OA talaga tong si Carla eh. Wala naman sigurong nagtanong at walang na naman sigurong paki ang mga tao kasi mag-asawa na sila..”

The post Robin, type ipamana ang trono kay Kylie first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments