Blankpink sinapawan si Justine

Patuloy ang pamamayagpag ng pinakasikat na Korean girl group, ang Blackpink. Sunod-sunod ang mga achievement ng grupo na kinabibilangan nina Lisa, Jennie, Rosie at Jisoo.

Ang pinaka-latest, sila lang naman among the artists ang may pinakamaraming subscribers sa YouTube.

Naungusan na nila ng maraming beses ang ibang mga Hollywood stars. Na ang iba sa mga ito, bukod sa sikat at kilala rin internationally, mas nauna na ng ilang taon ang YouTube channel.

Ang YouTube channel ng Blackpink ay five years at five months pa lang simula nang mag-open sila noong June 28, 2016.

Sa ngayon, sila na ang may pinakamaraming subscribers na umabot na ng 70 million.

Naungusan na nila si Justin Bieber na pumapangalawa sa kanila with 66.4 million subscribers naman.

Official na ni-release din ng YG Entertainment na Blackpink ang may pinakamaraming subscribers as of November 28, 2021. “BLACKPINK surpassed 70 million subscribers on their official YouTube channel, making them the first artist ever to achieve the feat on the platform.”

Sa isang banda, dahil nga naging positibo sa COVID-19 si Lisa, kasalukuyan pa rin itong naka-quarantine at nagpapagaling habang ang tatlong miyembro ay tested negative naman.

The post Blankpink sinapawan si Justine first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments