Isang low pressure area (LPA) ang naispatan sa Mindanao at maaaring lumakas bilang tropical cyclone.
Ayon pa sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa), ngayong Martes o bukas, posibleng pumasok sa bansa ang nasabing LPA.
Kasalukuyan itong nasa loob ng intertropical convergence zone at nasa 1,960 kilometro silangan ng Mindanao.
“Itong LPA ay may posibilidad na maging bagyo,” banggit pa ni Pagasa weather specialist Aldczar Aurelio. (Issa Santiago)
The post Unang bagyo sa Disyembre namumuro first appeared on Abante Tonite.
0 Comments