PNP, AFP tumulong sa National Vaccination Day

Nagpakalat ng kani-kanilang medical team ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) para tumulong sa tatlong-araw na national vaccination days na mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1 ngayong taon.

Magpapadala ng 25 medical team sa iba’t ibang AFP unit, bukod pa sa 37 ibang team na ikakalat sa mga tinatawag na geographically isolated and disadvantaged areas (GIDAS) para sa nasabing pagbabakuna, gaya ng mga isla, bundok, at mga komunidad ng mga katutubo.

Samantala nagpakalat naman ng pitong vaccination team ang PNP para sa nasabing event,

Ayon kay PNP chief General Dionardo Carlos, pitong vaccination teams na kinabibilangan ng 70 health worker at medical-reserved personnel ng PNP ang kanilang itinalaga sa iba’t ibang lugar.

Ang national vaccination days na tinawag na “Bayanihan Bakunahan” ay layong makapagturok ng 9 milyong katao o 3 milyon kada araw upang makamit ng bansa ang 54-milyong Pilipino na nabakunahan kontra COVID-19 bago matapos ang 2021. (Edwin Balasa)

The post PNP, AFP tumulong sa National Vaccination Day first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments