UP Academic Oval binuksan na

Nagbukas na kahapon sa publiko ang Academic Oval sa University of the Philippines-Diliman sa Quezon City.

Ito ang karaniwang puntahan ng mga gustong mag-jogging, maglakad o mag-bike.

Ayon sa Office of the Vice Chancellor for Community Affairs, wala itong age restrictions at wala ring diskriminasyon kung tinurukan na ng COVID-19 vaccine ang bisita o wala. Ang tanging hinihiling nila ay magsuot ng face mask.

Samantala, maaari nang magbisikleta sa Jacinto, Lakandula, Quirino, Ma. Guerrero, Laurel Avenue, at Balagtas street, maging sa University Avenue at Magsaysay Avenue.

Puwede na ring tumambay ang magkakapamilya o grupo ng 10 katao sa University Avenue, Sunken Garden at PAUW.

Bukas ito mula alas-kuwatro ng madaling-araw hanggang alas-nuwebe ng umaga, at mula-alas-kuwatro ng hapon hanggang alas-nuwebe ng gabi. (Kiko Cueto)

The post UP Academic Oval binuksan na first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments