‘Wag pasaway: Mga Pinoy binalaan ng DOH sa coronavirus surge

Mahalaga pa ring sundin ang basic health protocols kahit ibinaba na ang alert level system sa ilang mga lugar sa bansa para hindi matulad sa ilang bansa sa Europa na umakyat muli ang kaso ng COVID-19.

Ito ang inihayag ni Department of Health Secretary Francisco Duque III sa ‘Talk to the People’ ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Duque, bagama’t gumaganda na ang sitwasyon sa Metro Manila at maraming lugar sa bansa, hindi ibig sabihin ay kailangang magluwag na ng tuluyan.

Sinabi ng kalihim na muling sumirit ang COVID cases sa United Kingdom, Germany, France, Italy at Spain dahil nagtanggal na ng face mask ang mga tao.

“Huwag po tayong tutulad sa mga bansang binanggit sa Europa kung saan siya ngayong epicenter ng global pandemic dahil sila po ay naging pabaya sa kanilang da­ting ginagawa na public minimum health standards,” ani Duque. (Aileen Taliping)

The post ‘Wag pasaway: Mga Pinoy binalaan ng DOH sa coronavirus surge first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments