4 bakuna brand aprub na booster shot

Binigyan na ng ‘go signal’ ng Food and Drug Administration (FDA) ang apat na COVID-19 vaccine brand para magamit bilang booster shot ng mga kumpleto na sa bakuna.

Ayon kay FDA Director General Eric Domingo ang apat na brand ay kinabibilangan ng Pfizer, AstraZeneca, Sinovac, at Sputnik.

Lahat umano ay homologous, maliban sa Sputnik Light na hete­rologous.

Ang Homologous vaccination ay inilarawan ang bakuna na maaaring gamitin sa parehas na brand na ginamit sa una at ikalawang dose.

“Ito po ‘yung na-approve natin ngayong araw na ito para magamit ng additional vaccination. Ibig sabihin, magdagdag na dose after ma-complete po ‘yung primary series na isa or dalawang dose,” ani Domingo sa ginanap na ‘Talk to the People’.

Ang boosters shot ay gagamitin sa priority group, gaya ng health workers, immunocompromised individuals gaya ng senior citizens, at persons with comorbidities na aarangkada ngayong araw. (Juliet de Loza-Cudia)

The post 4 bakuna brand aprub na booster shot first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments