Lacson tinabla pabuya ng mga sinagip sa kidnap

Binigyang-diin ni Partido Reporma presidential bet Senador Panfilo `Ping’ Lacson ang kalahagahan ng pagkakaroon ng isang lider na may intergridad na ipinakikita hindi lamang sa salita kundi sa kanyang mga gawa bilang pinuno.

“The ultimate test of a person’s character: give him power and offer him money. If he passes this test, he is the ‘leader we need,” ani Lacson sa kanyang Twitter account.

Nabatid na maraming beses nang sinubok ang karakter ni Lacson lalo sa mga natanggap niyang alok na pabuya dahil sa pagiging mahusay na pulis.

Binahagi ito ni Lacson sa kanyang dayalogo sa mga tsuper at operator ng transport sector sa Quezon City.

Aniya, maraming negosyante na ang nag-alok sa kanya ng reward money dahil sa pagliligtas ng mga biktima ng kidnap-for-ransom na anak ng mga business tycoon kabilang ang pagkidnap kay Robina Gokongwei-Pe, panganay na anak ng yumaong negosyante na si John Gokongwei Jr.

Nangyari ito noong 1981 habang si Lacson ang namumuno sa Intelligence Service Group of the Philippine Constabulary Metropolitan Command (PC-MetroCom) at may ranggo na lieutenant colonel.

Nasa P10 milyon umano ang hinihingi ng mga kidnaper para pakawalan ang biktima, ngunit hindi ito natuloy dahil sa payo ni Lacson sa negosyante. Nag-alok din ng P500,000 si Gokongwei sa mga pulis para mailigtas ang anak.

Pero ayon kay Lacson, “Ang sabi ko sa kanya: ‘John, ang importante mailigtas natin si Robina dahil armado ‘yong mga kumuha sa kanya.’ Natapos, na-rescue po namin, at nakuha namin ‘yong mga kidnapper. Ako nga ‘yong sumipa ng pinto e.”

Matapos nito, mariin pa ring tinanggihan ni Lacson ang pabuya.

Aniya, “We only did our duty. Hindi kailangan ng reward. Hindi kailangan ang mga pabuya.” (Dindo Matining)

The post Lacson tinabla pabuya ng mga sinagip sa kidnap first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments