Mga sundalo may bagong armas

IPINAMAHAGI kahapon ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Lt. Gen Andres Centino PA ang bagong biling mga T4 5.56mm assault rifles sa 99th Infantry Battalion sa simpleng seremonya sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija.

Kasabay nito ay pinaalala ni Centino na ang mga baril ay ginagamit para protektahan ang mga naapi, at hindi sa pansariling interes.

“Gone are the belligerents. We have transformed as an Army and are now more disciplined, skilled, competent, and professional,” sinabi ni Lt. Gen. Centino.

Ang mga assault weapons ay bahagi ng 12,412 units ng Taurus T4 rifles na binili ng Philippine Army para palitan ang lumang M16 rifles at madagdagan ang mga armas ng mga kasundaluhan.

Mahigit 6,000 na piraso ang ipinamahagi naman sa 11th Infantry Division habang ang iba ay sa iba pang Philippine Army units. (Kiko Cueto)

The post Mga sundalo may bagong armas first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments