P3.6M smuggled petrolyo nasabat sa Sulu

Naharang ng mga awtoridad ang halos P3.6 milyong halaga ng produktong petrolyo matapos itong tangkaing ipuslit sa Sulu.

Agad namang kinorner ng Regional Maritime Unit-Bangsamoro Autonomous Region ang maliit na barkong kargado ng diesel at gasolina sa mga asul na plastic drum na palapit sa isla ng Panglima Tahil.

Batay sa imbestigasyon, napag-alaman na galing Tawi-Tawi ang mga produkto na kinuha pa sa Malaysia.

Dagdag pa dito, binebenta umano ng mga Pinoy na nasa bansang Malaysia ang mga diesel at gasolina sa mababang presyo kada litro, na mas mura kumpara sa mga ibinebenta sa Mindanao.

Ang mga nakumpiskang kargamento ng gasolina ay ibibigay sa Bureau of Customs para sa disposisyon nito.

Samantala, nakakulong naman ang kapitan ng barko at ang kaniyang mga crew.

The post P3.6M smuggled petrolyo nasabat sa Sulu first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments