NEDA chief aminadong kulelat edukasyon sa PH

Inamin ni Socioeconomic Planning Secretary Karlo Kendric Chua na kulelat din ang Pilipinas sa rehiyon pagdating sa larangan ng edukasyon dahil mahigit isang taon na sarado ang mga paaralan sa bansa.

“Before the start of the pilot face-to-face classes, the Philippines was the only country in the region to have closed for more than a year,” sabi ni Chua sa isang forum ng Asian Institute of Management (AIM) kahapon.

Si Chua rin ang director general ng National Economic and Development Authority (NEDA).

Ang Myanmar ang sumunod pagdating sa haba nang pagsasara ng mga paaralan ngunit nakapagbukas ito nang sandali noong Mayo. Pangatlo ang Indonesia na noong 2020 lamang fully closed ngunit partially open na ngayon.

Kulelat din ang Pilipinas sa ranking ng Bloomberg at ng Nikkei pagdating sa pagresponde sa pandemya.

Sabi ni Chua, susi sa pagbubukas ng mga paaralan ang pagbabakuna sa kabataang edad lima hanggang 17-anyos at mainam na gawin ang pagturok ng COVID vaccine kapag nagbukas na ang mga paaralan sa Enero 2022.

Aniya, sa mga paaralan mismo gagawin ang pagbakuna.

Ayon kay Chua, nasa 4.6 milyong bata na edad tatlo hanggang apat na taong gulang ang target bakunahan sa Enero, 15.5 milyong mga edad lima hanggang 11 at 12.7 milyong kabataang edad 12 hanggang 17-anyos. (Eileen Mencias)

The post NEDA chief aminadong kulelat edukasyon sa PH first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments