NPA na todas sa engkuwentro sumirit

Umakyat sa siyam ang bilang ng mga umano’y kasapi ng New People’s Army (NPA) na namatay sa nangyaring engkuwentro nito sa laban sa mga tropa ng pamahalaan sa Miagao, Iloilo noong Disyembre 1.

Ito ay matapos makumpirma ng mga sundalo ang isa pa na namatay na isang rebelde sa bakbakan sa Barangay Alimodias.

Sinabi ni Major General Benedict Arevalo, commanding officer ng 3rd Infantry Division, na ang pinakahuling nakilala na namatay ay si Joven Ceralvo, alyas Lex, na commanding officer ng Southern Front (SF) operational command at nagsisilbing deputy secretary ng SF Committee.

Ang 301st Infantry Brigade naman ay naunang nagsabi na walo ang patay sa engkuwentro ng mga rebelde sa Scene of the Crime Operation ng Philippine National Police.

Kinilala silang sina Roger Pedro mula Antique; Leonard Taburete at Liezel Tacuel mula sa Tubungan; Gerly Tejeros mula Tigbauan; isang Inday/Jeboy mula San Joaquin; at Rica Nudgara mula Miagao; Eugene Estopido Talibo sa Igbaras, lahat sa Iloilo; at Juveniel Sandig. (Kiko Cueto)

The post NPA na todas sa engkuwentro sumirit first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments