Rabiya keber sa retokada

NI: ARCHIE LIAO

Naba-bash si 2020 Ms.Universe Philippines Rabiya Mateo. Sumulpot kasi ang kanyang photo sa lumang high school yearbook nang manalo siya sa nasabing timpalak pangkagandahan.

Malayo kasi ang hitsura niya sa nabanggit na souvenir program kumpara sa aura nito ngayon. Inaakusahan siyang nagparetoke .

Ipinagtanggol naman si Rabiya ng kanyang mom .Sinabi nitong walang pinagagalaw ang kanyang anak sa fez nito dahil natural beauty ito.

Wala namang kumpirmasyon o denial ang Kapuso star hinggil sa akusasyon sa kanya ng ilang mahaderang netizens.

Ani Rabiya, wala raw siyang masamang nakikita sa mga beauty queen na Salamat po Doktor .

Hirit pa ng leading lady ni Senator Bong Revilla sa Agimat ng Agila, hindi na rin daw big deal ang pagpaparetoke sa panahon ngayon.

Iginagalang din daw niya ang desisyon ng mga taong sumailalim sa pagpaparetoke. May pera naman daw sila para gastusan ang naturang procedure.

Dagdag pa niya, kung feeling daw ng isang tao na makapagbo-boost ng confidence ang pagpapa-enhance ng hitsura, wala raw siya sa posisyon para kontrahin ito.

The post Rabiya keber sa retokada first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments