Dumating na sa Pilipinas ang mahigit 500,000 AstraZeneca vaccine na donasyon ng South Korea.
Hinatid ang 539,430 dose ng bakuna sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 bandang alas-8:00 ng gabi noong Martes, Nobyembre 30.
Sinabi pa kinatawan ng Republic of Korea sa Pilipinas na si Kim In-chul, magbibigay din ang kanilang pamahalaan ng mga truck na maaaring gamitin sa paghahatid ng mga bakuna sa malalayong lugar. (Sherrylou Nemis)
The post SoKor nagpadala ng 500K bakuna sa PH first appeared on Abante Tonite.
0 Comments