Pulisya walang bagong kaso ng coronavirus

Walang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP) habang bumaba na lang sa 45 ang aktibong coronavirus case sa kapulisan.

Sa pinakabagong bulletin na inilabas ng PNP Health Service kahapon, nakapagtala ng panibagong siyam na pulis na gumaling sa coronavirus kaya mayroon ng 42,028 ang nakarekober sa kanilang hanay sa kabuuang 42,198 kung saan 125 ang nasawi.

Samantala, nasa 93.52% o kabuuang 211,176 na pulis na ang fully vaccinated.

Nasa 5.64% o 12,744 na pulis naman ang nakatanggap na ng kanilang unang dose ng COVID bakuna habang 1,883 o 0.83% na lang ang walang bakuna sa PNP. (Edwin Balasa)

The post Pulisya walang bagong kaso ng coronavirus first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments