Bagong virus case lagpas 15K na lang

Bumaba pa sa 15,789 ang mga bagong kaso ng COVID-19 na naitala ng Department of Health (DOH) kahapon.

Dahil sa nadagdag na mga bagong kaso, pumalo na ngayon sa 3,475,293 ang kabuuang bilang ng mga nagkasakit sa bansa sanhi ng coronavirus.

Sa naturang bilang, nasa 6.6% o 230,410 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa virus infection.

Sa mga aktibong kaso ay 218,711 ang mild; 6,902 ang asymptomatic; 2,982 ang moderate; 1,507 ang severe; at 308 ang kritikal.

Nadagdagan naman ng 32,712 pasyente ang mga gumaling kung kaya’t umakyat sa 3,191,219 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober matapos tamaan ng COVID.

Habang 66 pasyente ang iniulat na bagong nasawi kung kaya’t nasa 53,664 na ngayon ang kabuuang bilang ng mga namatay sa virus infection. (Juliet de Loza-Cudia)

The post Bagong virus case lagpas 15K na lang first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments