Itinulak ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion ang pagbabalik sa tatlong araw na quarantine protocol sa mga fully vaccinated na biyahero.
Sinabi ni Concepcion na ang naturang protocol sa mga international arrival ay nakalagay na noong isang taon pa pero nabitin dahil sa banta ng Omicron variant.
“We should revert back to the three-day quarantine for the fully vaccinated, which was approved and implemented prior to Omicron,” giit ni Concepcion.
Bukod ito sa umano’y negatibong resulta mula sa RT-PCR test na 48 oras bago umalis, at limang araw na facility-based quarantine na kailangan sa mga biyahero galing ibang bansa.
Dapat din aniya isailalim ang mga ito sa mandatory RT-PCR testi sa ikalimang araw na ang resulta ay magsasabi kung ilalagay sila sa facility-based quarantine o papayagan na sa bahay na lang tingnan kung magkakaroon ng sintomas ng COVID. (Kiko Cueto)
The post 3 araw quarantine hinirit sa mga biyahero first appeared on Abante Tonite.
0 Comments