Kulang sa werpa: Gabbi, Khalil gagawan ng ‘milagro’ ni Mr. M

NI: ARCHIE LIAO

Ipinakilala ang tambalang Gabbi Garcia at Khalil Ramos bilang next brightest stars of 2022 ng Sparkle.

Bago pa naging love team sina Gabbi at Khalil ay naipareha muna ang Kapuso actress kay Ruru Madrid.

Kahit papaano, nagkaroon naman ng following ang GabRu tandem nang magkatrabaho sila ng seryeng “Encantandia”. Sa kaso naman ni Khalil, noong Kapamilya pa siya ay naging third wheel naman siya sa tambalang KathNiel.

Mas nakilala pa nga siya noong mag-indie siya sa mga pelikulang “2 Cool 2 Be 4gotten”at “Riding in Tandem.”

Nagtambal sila ng nobyang si Gabbi Garcia sa PPP entry na “LSS: Last Song Syndrome”but sad to say, hindi masyadong kinagat ng publiko ang kanilang tambalan.

Ngayon naman ay magka-collab na sila dahil may vlog silang “Front Seat Foodies” tungkol sa kanilang food adventures sa iba’t-ibang local destination.

Sa isa namang vlog nilang Figure It Out na tipong He Said, She Said, ini-explore nila ang iba’t-ibang topic sa pakikipagrelasyon.

May upcoming teleserye rin silang “Love You Stranger” na ilang beses ding naudlot dahil sa pandemya.

Dahil nasa Sparkle na ang star builder na si Mr. M, ang malaking tanong: magawan kaya niya ng milagro o magic para umalagwa ang karera ng mag-dyowa to the highest level?

O mas aarangkada kaya ang kanilang karera kung magsosolo muna sila at hindi ibebenta bilang loveteam?

The post Kulang sa werpa: Gabbi, Khalil gagawan ng ‘milagro’ ni Mr. M first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments