Lalayas ng bahay: Carlo hiwalay na sa dyowa

Nakakagulat ang napapanood sa Tiktok na hiwalay na raw sina Carlo Aquino at partner nitong si Trina Candaza. Kung dati raw kasi ay mahilig mag-post ang dalawa ng mga trip at adventure nila, mukhang lately ay hindi na raw. Kaya naman ang espekulasyon ng iba ay may problema nga daw ba ang dalawa.

Kaagad naman naming tsinek ang social media ng dalawa at may mga larawan pa rin naman silag dalawa na naka-post.

Pinatanong naman namin sa aming kaibigan na close kay Carlo ang tungkol dito pero hindi pa ito sumasagot.

Ayon sa aming reliable source, naghahanap na si Carlo ng malilipatan. How true umalis na si Trina sa tirahan nila ni Carlo?

Sana maayos ng dalawa ang gusot nila alang-alang sa baby nila.

The post Lalayas ng bahay: Carlo hiwalay na sa dyowa first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments