Francine tinawag ng direktor na tanga

NI: VINIA VIVAR

Hindi pa rin nakakalimutan ni Francine Diaz ang masakit na alaala noong panahong hindi pa siya sikat at sumasali sa mga audition.Isa na nga rito ay nang sabihan siyang isang direktor na “tatanga-tanga.”

Kuwento ni Francine sa panayam niya kay Karen Davila, one time ay nag-audition daw sila para sa isang serye ni Jericho Rosales.

“Ang rule namin ni Mama, audition muna bago kakain para tipid tayo. So, bawal tayo kumain hanggang hindi tapos ang audition. Kasi pamasahe natin, tipid lang,” pagre-recall niya.

“Siyempre kapag gutom, slow ka mag-pick up ng mga instructions, hindi nagwo-work ‘yung brain,” patuloy niya.
Ang ending, hindi raw niya nakuha ang instruction ng direktor.

“So parang may sinasabi ‘yung director at that time na hindi ko na-gets kasi gutom din ako noon pero binibigay ko naman ‘yung best ko sa audition. Tapos ang sabi niya, ‘ang artista dapat matalino, hindi tatanga-tanga,’” kwento niya.
Pero hindi pa rin daw pinanghinaan ng loob at patuloy pa ring nag-audition sa mga show.

Marami pang paghihirap na naranasan si Francine bago nakamit ang pinakamalaking break sa Kadenang Ginto na siyang bumago ng kanyang buhay.

Ngayon ay nakapagpundar na ng sariling bahay at lupa si Francine para sa kanyang pamilya.Katas ito ng lahat ng kanyang paghihirap at hindi niya idene-deny na ang Kadenang Ginto ang naging daan sa magandang buhay na tinatamasa nila ngayon.

The post Francine tinawag ng direktor na tanga first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments