Kylie ‘tinuhog’ mag-utol na Marco, Paolo

Pagkatapos ang intense na halikan at bed scene nina Kylie Versoza at Marco Gumabao, si Paolo Gumabao naman ang makakasama ng aktres.

Matatandaang nagkaroon ng mainit na eksena sina Kylie at Marco sa “My Husband My Lover.”

Sa pelikulang “Sisid” naman may bed scene si Kylie kay Paolo.

Pahayag ng aktres, magaling na aktor si Paolo at napatunayan niya ito.

“Narinig ko na magaling siya and I confirmed it. Mahusay nga. I’ve worked with his older brother, Marco. And I can see Marco in him,” ani Kylie.

Dagdag pa niya, nakakahawa rin umano ng energy sa set si Paolo, maging ang isa pa nilang kasama sa pelikula na si Vince Rillon dahil bigay na bigay ang mga ito.

Samantala, kasama nina Kylie at Paolo sina Christine Bermas, Vince Rillon sa “Sisid” na mapapanood sa Vivamax.(Sherrylou Nemis)

The post Kylie ‘tinuhog’ mag-utol na Marco, Paolo first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments