Mga PBA player swak sa Korea

Posibleng magkaroon ng player exchange ang Philippine Basketball Association at Korean Basketball League sa nalalapit na hinaharap.

Matagal nang magkaribal sa larangan ng sport sa rehiyon ang ‘Pinas at Korea, ngayon ay posibleng magpalitan pa ng talento.

Sumulat si KBL president Kim Hee Ok sa PBA, gustong makipag-usap hinggil sa palitan ng players.

“Binabati tayo na natapos natin ‘yung liga (Philippine Cup) na successful,” ani commissioner Willie Marcial Huwebes. “Gusto niya ng cooperation.”

Ikinatuwa ng PBA na umaandar na rin ang KBL.

Dahil humihingi ng cooperation ang counterpart, susulatan din ang Asia’s first pro league sa KBL para plantsahin ang planong meeting.

Tulad ng Japan B.League, may Asian Players Quota rin ang KBL. (Vladi Eduarte)

The post Mga PBA player swak sa Korea first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments