Hinimok ng Lacson-Sotto team ang lahat ng botante na huwag basta magpadala sa mga kandidato na naninira ng kalaban sa eleksiyon para lamang iangat ang sarili.
Giit ng dalawang beteranong mambabatas na dapat itaas na lamang ang diskusyon sa politika sa pamamagitan ng paglalahad ng mga solusyon na nakabase sa matalinong pagpaplano na hindi dinadaan sa matatamis na salita.
Wala naman umanong epekto ang mga batikos sa Lacson-Sotto team kaugnay sa kung ano ang kanilang nagawa dahil mayroon na silang track record ng mahabang accomplishment sa serbisyo publiko.
Ayon kay Lacson, pangunahing tungkulin ng senador katulad nila ay magbalangkas ng batas para sa kapakanan ng iba’t ibang sektor.
Kasama na aniya rito ang ang pag-iimbestiga sa mga anomalya sa pamahalaan at ingatan ang interes ng taumbayan, lalo na ang pambansang budget.
Ang implementasyon naman ng mga batas na ito ay nakaatang sa Presidente at Bise Presidente kaya hindi dapat na hanapin kina Lacson at Sotto ang pagpapatupad sa mga programa na hindi naman sila ang nagplano.
Ipinaalala naman ni Senate President Vicente `Tito’ Sotto III sa mga kritiko at sa publiko na dapat alamin nila ang pagkakaiba-iba ng mandato ng mga opisyal ng gobyerno sa executive at legislative branch bago akusahan sila ni Lacson na kulang sa aksyon. (Dindo Matining)
The post Lacson-Sotto: Huwag pabola sa kandidatong naninira first appeared on Abante Tonite.
0 Comments