Ibinunyag ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon na bumoto siya para ma-disqualify si Ferdinand Marcos Jr. sa pagtakbo sa 2022 presidential elections.
Ayon kay Guanzon, na parte ng Comelec First Division na hahatol sa disqualification case, may sapat na ebidensya para pagbawalang tumakbo si Marcos Jr.
Ngunit tingin ni Guanzon may nangyayari umanong delay sa paglabas ng resulta ng DQ case dahil sa kanyang naging boto.
“Kaya nga ito nangyayari lahat eh dahil ang boto ko is DQ si Marcos Jr. Sa tingin ko may moral turpitude talaga based on evidence and the law,” lahad ni Guanzon sa panayam ng GMA News.
“I will not keep it a secret. That is the reason why this is happening,” aniya pa.
Duda ni Guanzon na may nakikialam at iniimpluwensiya umano ang ibang commissioner para maipit ang desisyon.
“Parang unreasonable na `yong delay. Ang kutob ko talaga may nakikialam. May nakikialam na. Some people are trying to influence the commissioners,” sabi ni Guanzon.
Nais ni Guanzon na jailabas na ang desisyon bago pa siya magretiro sa kanyang puwesto. Nakatakdang magretiro si Guanzon sa Pebrero 2.
“I am appealing to them huwag na po kayong makialam para mailabas na ng ponente ang desisyon bukas. Last day na po sa Monday, magulo na `yan `pag sa Monday pa nilabas,” pakiusap ni Guanzon.(Ray Mark Patriarca)
The post Guanzon: Marcos Jr disqualified! first appeared on Abante Tonite.
0 Comments