Umaabot sa 700 lugar sa buong bansa ang isinailalim sa granular lockdown dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19, ayon sa ulat ng Philippine National Police (PNP) nitong Linggo.
Sa pinakahuling ulat ng PNP kahapon, 146 sa mga lugar na naka-lockdown ay mula sa Metro Manila, kung saan 98 sa mga ito ay naitala ng Quezon City Police District, 30 sa Manila Police District, 17 sa Eastern Police District, at isa sa Northern Police District.
Samantala, nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng mga lugar na naka-lockdown ang Police Regional Office (PRO)-Cordillera na mayroong 302, na sinundan ng PRO 1 (Ilocos Region) sa 233, at PRO-Mimaropa na may 19.
Sa kabuuan ay mayroong 1,836 indibiduwal na apektado ng mga lockdown.
Ang mga local government unit ang siyang magdedesisyon kung ilalagay o aalisin ang granular lockdown sa isang kabahayan, compound, street, o gusali base na rin sa kung ilan ang bilang ng mga COVID-positive sa nasabing lugar. (Edwin Balasa)
The post Lugar na naka-lockdown akyat sa 700 first appeared on Abante Tonite.
0 Comments