Sa ilalim ng umiiral na pandemya, ang pabahay ay kasinghalaga ng bakuna sa pagbibigay proteksiyon sa bawat pamilyang Pilipino, ayon kay dating Senador Jinggoy Estrada.
Ani Estrada, mahirap isagawa ang tinatawag na quarantine o isolation kung wala namang permanenteng tirahan ang mga Pinoy at kung karamihan sa kanila’y nakatira lamang sa entresuwelo o maliit na kuwarto.
“Dahil dito, malinaw na ang pabahay ay ‘sing-halaga ng bakuna sa pangangalaga ang kapakanan ng bawat Pilipino.”
Dagdag niya, may kakulangan o housing backlog na aabot sa 3.9 milyong pamilya.
“Kaya naman isa sa pangunahing layunin ng aking pagbabalik sa Senado ay tiyaking maisasabatas ang pagbibigay ng ligtas at disenteng tahanan sa bawat Pilipino.”
Kamakailan, iniutos ng pamahalaan ang granular lockdown sa halos 500 komunidad kung saan sumipa ang mga kaso ng COVID-19. Ngunit ayon kay Estrada, halos imposible ang quarantine o isolation kung wala naman lugar para gawin ito sa loob ng tahanan.
Kaya nangako ang dating Senate President Pro Tempore na tututukan niya rin ang pagtatayo ng tanggapang tutulong sa rehabilitasyon ng mga tirahan ng informal settler at pinaigting na housing program para sa mga guro.
The post Pabahay, bakuna magkasinghalaga first appeared on Abante Tonite.
0 Comments