VisMin sumirit COVID – DOH

Naobserbahan ng Department of Health (DOH) na tumataas ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa Visayas at Mindanao.

Ayon sa DOH, nakapagtala ng 87.35 porsiyentong pagtaas ng COVID sa Visayas habang sumirit naman ng 164.74 porsiyento sa Mindanao mula sa mga naitala sa nakalipas na linggo.

“Regions 6 (Western Visayas), 7 (Central Visayas), and 11 (Davao Region) have been the top regions in the VisMin island groups based on their seven-day moving average since Jan. 19, 2022, with bed utilization at moderate risk and ICU utilization at moderate risk,” ayon sa DOH advisory kahapon.

Samantala, ipinahayag naman ng OCTA Research Group na itinuring na bilang `high risk sa COVID ang Cebu City.

Nabatid na ang seven-day average umano ng mga bagong kaso ng COVID sa Cebu City ay pumalo ng 722 mula Enero 19 hanggang 25 kumpara sa 325 na naitala noong nakaraang linggo.

Nasa 69 porsiyento umano ang average daily attack rate (ADAR) ng lungsod habang 40 porsiyento naman ang positivity rate sa pitong araw. Subalit mababa naman umano ang health care utilization rate na nasa 68 porsiyento.(Juliet de Loza-Cudia)

The post VisMin sumirit COVID – DOH first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments